Saturday, April 10, 2021

Poetry Time: Mahal

ORIGINAL IMAGE FOUND HERE

It's been a while since I last posted a poem here so here's one in my local language.

 Iba ang kilig na nararamdaman,
Sa tuwing boses mo ang napakikinggan
Kabog ng dibdib, laging naninikip,
Ikaw din ang laging nasa panaginip.
Sa bawat pagmulat ng aking mga mata
Mukha mo ang aking nakikita.
Totoo, hindi ikaw ang pinapangarap ko
Ngunit ikaw ang dumating sa buhay ko.
Hindi ikaw ang gusto ko
Ngunit ikaw ang kailangan ko.
Nagpapasalamat ako
Dahil ikaw ang pinili ko.
Kinumpleto mo ako,
Binuo mo ang buhay ko.
Tinulungan mo akong magtiwala sa sarili ko,
Tinulungan mo akong mahalin ang sarili ko.
Minahal mo ako,
Ang buong pagkatao ko.
Pinapangako ko sa'yo mahal ko
Ikaw lang ang iibigin ko.



No comments:

Post a Comment

Leave the link of your blog so that I can check it too.
Thank you so much for all the love!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...