Sunday, October 6, 2019

Poetry Time: Ako Muna


ORIGINAL IMAGE FOUND HERE

Pipikit na lang muna,
Bibitaw at hihinga,
Magaan di ba?
Mabigat, pero kailangan di ba
Kailngan ko huminga,
Kailngan ko mahalin sarili ko muna
Bago ako magmahal
Bago ikaw ang maging mahal
Ako muna,
Pwede ako lang muna?
Mahalin ko muna mga sugat ko
Tanggapin ko muna na ganito lang ako
Unawain ko muna nararamdaman ko
Unahin ko muna sarili ko
Ako muna,
Ako na lang muna.

Oras, kailangan ko nito
Para makita ang halaga ko
Halaga, ano ba ang halaga
Ano ba kailangan ko talaga?
Kailangan ko mapag-isa
Para din sa ikasasaya
Ako muna,
Ako lang muna
Walang iba,
Walang ikaw, walang sila
Ako lang,
Ako lang muna.


No comments:

Post a Comment

Leave the link of your blog so that I can check it too.
Thank you so much for all the love!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...